Online Classes



 Makabagong Sistema ng Edukasyon

            Sa panahon ngayon ng pandemya, ang mga paaralan ay isa sa mga naapektuhan at ipinasara ng gobyerno dahil sa lumalaganap na virus na Covid-19 at upang maiwasan na din ang pagkalat nito. Ayon sa DepEd, ang online class ay isa sa pinakamabisang alternatibong paraan upang hindi matigil o mahinto ang pag-aaral ng mga estudyante. Naniniwala sila na mahalaga para sa kabataan ang edukasyon, kaya naman naisip nila itong online classes upang maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral ng hindi na kailangan pang lumabas ng kanilang mga tahanan.

Ang online class ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag gamit ng mga gadyets at internet kahit saan man naroroon at kahit anong oras. Sa tulong nito ay madaling naibabahagi ng mga guro ang mga aralin sa mga estudyante at dito nagagawa nila ang mga aktibidad na kailangan nilang gawin at ipasa sa nakatakdang oras. Ito din ay isa sa paraan kung paano nakikipag komunikasyon ang mga estudyante at guro upang mas lalong maintindihan ng mga estudyante ang kanilang mga aralin.

           Sa kasalukuyan ay patuloy pa din ang pag gamit sa paraan ng pag-aaral na online class dahil hindi pa din nawawala ang Covid-19. Hanggat hindi pa din nalulunasan ang virus na ito ay pauloy pa din na gagamitin ang ganitong sistema ng edukasyon upang matulungan ang mga estudyante na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa tulong ng makabagong teknolohiya. Matapos na sana itong pandemyang ito upang maibalik na sa normal ang lahat dahil hindi lahat ng estudyante ay may pribilehiyong makapag-online class.







Covid-19 Online Class

Alam naman nating lahat na nag bago ang mga buhay natin dahil sa pag dating ng Covid-19. Natigil ang lahat dahil sa pandemic. Isa na dito sa naapektuhan ay ang ating pag-aaral. At syempre agad naman itong na solusiyonan, ang dating face to face class ay naging online class na lang muna pang samantala. Maraming estudyante ang umayaw sa online class pero kailangan nila ito upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ang online class ay isang online learning kung saan hindi na kelangan ng estudyante pumunta ng paaralan. Maraming estudyante ang nahihirap dahil hindi naibibigay ng online class ang kayang maibigay ng face to face class. At marami ding estudyante ang hindi makapag aral ngayong online class dahil sa madaming kailangan na kagamitan tulad ng laptop at internet. Hindi tulad ng face to face class na kailangan mo lang pumasok sa paaralan at andon na lahat ng iyong kailangan. Ang online class ay sinubukan ang mga estudyante ngayon pandemic.

Hindi tulad ng dati mas madali mag-aral kapag face to face class dahil mas madali maintindihan ng estudyante ang mga tinuturo. Ang online class ay importante pa rin kahit na mahirap mag-aral. Ang online class at face to face class ay may pag kakaiba pero parehas dapat nating bigyang pansin. Sobrang daming naidulot ng Covid -19.







Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Lutong Pinoy